Mylene batak sa pandemya

MATATAG sa gitna ng coronavirus pandemic si Philippine SuperLiga (PSL) star Mylene Paat.

The post Mylene batak sa pandemya first appeared on Abante.

mylene batak sa pandemya - Mylene batak sa pandemya
Mylene Paat - Mylene batak sa pandemya

MATATAG sa gitna ng coronavirus pandemic si Philippine SuperLiga (PSL) star Mylene Paat.

“Ngayon pandemic kasi parang maaapektuhan lahat niyan ‘yung mentality natin, ‘yung physical fitness natin and siyempre ‘yung spiritual natin,” kuwento ng Chery Tiggo Crossovers opposite spiker sa ‘The Crossover Show’.

Ayon sa dating skipper ng Adamson Lady Falcons, may dulot na disadvantage at advantage sa katulad niyang atleta ang mga pangyayari.

“’Yung no. 1 disadvantage, hindi kami nakakapag-training ng sama-sama and nakukulangan kami sa training especially sa skills namin,” hayag ng 5-foot-11 hitter.

“Advantage naman nun nakakasama namin ‘yung family namin sa ngayon and nakakabonding namin.”

Sa kabila nito, nananatiling handa si Paat sa oras na magbalik-laro ang liga.

“Siyempre kailangan pa rin namin pakondisyonin ‘yung sarili namin all throughout these days, sa araw-araw para kung magpatawag man ulit ng training or ng game, ready pa rin ‘yung pangangatawan namin,” sambit ni Paat. (JAT)

The post Mylene batak sa pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *