Munzon, PH 3X3 lumipad na sa Qatar

Nagbiyahe na ang Manila Chooks TM squad Linggo ng gabi patungo sa Qatar para sa pagsabak nito sa 2020 FIBA 3X3 World Tour Doha Masters.

The post Munzon, PH 3X3 lumipad na sa Qatar first appeared on Abante.

munzon ph 3x3 lumipad na sa qatar - Munzon, PH 3X3 lumipad na sa Qatar
Gilas 1 - Munzon, PH 3X3 lumipad na sa Qatar

Nagbiyahe na ang Manila Chooks TM squad Linggo ng gabi patungo sa Qatar para sa pagsabak nito sa 2020 FIBA 3X3 World Tour Doha Masters.

Ang quartet ng Pilipinas na binubuo nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike at 6 Santi Santillan ay nakalipad mula sa Ninoy Aquino International Airport ganap na 11:30 ng gabi sakay ng Qatar Airways flight QR929. Inaasahang lalapag sila sa Hamad International Airport ganap na 4:30 ng umaga Lunes.

Madalian ang naganap na pag-alis ng koponan dahil ilang oras lamang bago lumipad nila nakuha ang visa para sa apat na Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 stars o eksaktong anim na oras bago lumipad.

“The spirit of bayanihan was truly alive,” sabi ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas. (Lito Oredo)

The post Munzon, PH 3X3 lumipad na sa Qatar first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *