Muntinlupa Chess abante sa Linggo

NAKATAKDANG itulak ang Muntinlupa Chess Team Tournament 1950 average ratings sa Linggo na gaganapin sa Dioko Pavillion, Brgy. Cupang sa Muntinlupa City.

The post Muntinlupa Chess abante sa Linggo appeared first on Abante News Online.

muntinlupa chess abante sa linggo - Muntinlupa Chess abante sa Linggo
chess 4 - Muntinlupa Chess abante sa Linggo

NAKATAKDANG itulak ang Muntinlupa Chess Team Tournament 1950 average ratings sa Linggo na gaganapin sa Dioko Pavillion, Brgy. Cupang sa Muntinlupa City.

Ipapatupad ang rapid chess team event format na may time control 20 minutes plus five se­conds delay per move via seven-round Swiss system sa one-day tournament.

Ang nasabing event ay bukas sa lahat ng mga taga-Muntinlupa City, kailangan lang na mapatunayan ang kanilang residency.

“We do this to promote chess in the grassroots level,” sabi ng organizer na si Vic Ulanday. “We also believe that by encouraging the youth to actively participate in sports like chess will keep them away from drugs.”

Nakataya ang P20,000 plus trophy sa magkakampeon habang ang second hangang fifth placers ay magbubulsa ng cash prizes na tig-P10,000, P7,000, P5,000 at P4,000 ayon sa pagkakahilera.

Hahamig ang top high school chess team, top college chess team at top senior chess team (60 years old and above) ng tig-P2,000 plus trophies at P1,000 naman ang naghihintay sa Individual board medallist mula board 1 hanggang 4. (Elech Dawa)

The post Muntinlupa Chess abante sa Linggo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *