MPBL: Bondoc kuminang, Clutch gumawa ng record

DINUROG ng Navotas Clutch ang Nueva Ecija 125-97 sa pagpapatuloy ng eliminasyon sa MPBL Lakan Season, Lunes nang gabi sa Navotas Sports Complex.

mpbl bondoc kuminang clutch gumawa ng record - MPBL: Bondoc kuminang, Clutch gumawa ng record
2019 Abante MPBL All Star - MPBL: Bondoc kuminang, Clutch gumawa ng record

DINUROG ng Navotas Clutch ang Nueva Ecija 125-97 sa pagpapatuloy ng eliminasyon sa MPBL Lakan Season, Lunes nang gabi sa Navotas Sports Complex.

Ginawa ito ng Navotas sa pamamagitan ng record-breaking game nang iposte ng Clutch ang pinakamalaking output sa liga.

Binura ng Navotas ang 120-point production na kanila ring itinala sa nagdaang Datu Cup.

Sumandal ang Navotas sa career-high 24 points ni Jhong Bondoc, sa likod ng perpektong 3-for-3 sa labas ng arc.

Syut naman ang ikatlong sunod na panalo ng General Santos City sa ilalim ng bagong coach na si Rich Alvarez nang butatain ng Warriors ang Mindoro, 88-80.

Sa unang laban, angat ang reigning Southern Division champion Davao Occidental laban sa SOCCSKSARGEN, 104-75. (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *