MPBL: Bahay ng mga ‘di pinalad sa PBA

PANGARAP ng bawat isang basketbolista na makapag-professional basketball player na dulo ng kanyang karera sa larangan.

mpbl bahay ng mga di pinalad sa pba - MPBL: Bahay ng mga ‘di pinalad sa PBA
2019 Abante MPBL All Star - MPBL: Bahay ng mga ‘di pinalad sa PBA

Tahanan din ng mga ex-pro
MPBL: BAHAY NG MGA ‘DI PINALAD SA PBA

PANGARAP ng bawat isang basketbolista na makapag-professional basketball player na dulo ng kanyang karera sa larangan.

Pero ilan sa kanila ay ‘di pinapalad o nabibigyan ng pagkaka­taong makatuntong sa Philippine Basketball Association (PBA).

Dahil dito, kapansin-pansin na ang mga pumapasok na bagu­hang manlalaro sa bawat teams ng may tatlong taon nang Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MBPL) ay mga pabata nang pabata na.

‘Di man makaabot ang mga fresh graduate ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP), may second option na sila — semi-pro at all-Pilipino na liga binuo ni Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao na MPBL.

Bagama’t ang ilan sa mga MPBL ay target ding maging-in sa naturang liga.

Gaya ni Thomas Torres na dating NCAA player mula sa College of Saint Benilde at ang pride ng National University na si Nico Paolo Javelona.

Makikita sa Instagram post ni Torres ang pagpursigi at pagbibigay halaga upang makalaro sa MPBL.

“Great opportunities come to those who make the most of small ones,” ani Torres (@iamthomastorres) sa IG post.

Marami naman ang nagbibigay suporta sa kanyang cage career.

@_beascu: “Proud of you always!” anang isa. Humirit pa ang isang @paolocaberoo: “Go get them bro!!”

Nagkomento rin ang kanyang nanay sa IG post niya.

@alviamv: “So true anak! We’re always here to support you.”

Nagsisilbing pangawalang pag-asa rin ang MPBL para sa mga dating PBA cager na nais pa ring patunayan na may ibubuga pa sila pagdating sa paglalaro tapos mapaso ang kanilang kontrata sa pangunahing pro league sa bansa.

‘Di nagpapahuli ang ex-PBA player na sina Mac Cardona at John Wilson na kamakailan ay itinanghal bilang mga kampeon ng MPBL sa koponan ng San Juan Knights sa ikalawang taon (2018-19) Datu Cup nitong Abril.

Present din ang pangatlong ex-pro o dating PBA journeyman na si Jeric Teng, na huling nag-PBA sa Northport Batang Pier niong 2018 at kapapasiklab lang ng 25 points para sa Pasig Sta. Lucia Realtors nito lang Biyernes ng gabi sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 eliminations. (Aivan Denzel Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *