Mount Pulag nanilat

horse-race

NAKIPAGBAKBAKAN sa rekta­han ang dehadong Mount Pulag upang sikwatin ang panalo sa Group Race (8-9) Huwebes ng gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Mount Pulag nanilat appeared first on Abante News Online.

mount pulag nanilat - Mount Pulag nanilat
horse race - Mount Pulag nanilat

NAKIPAGBAKBAKAN sa rekta­han ang dehadong Mount Pulag upang sikwatin ang panalo sa Group Race (8-9) Huwebes ng gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Nagmasid muna sa tersero puwesto si Mount Pulag na nirendahan ni RF Torres, pinanood nito ang naglulutsahang sina Fighting Back at Honeywersmypants.

Papasok ng far turn ay kumakalas na si Fighting Back kay Honeywersmypants kaya naman gumalaw na rin si class B rider Torres at pinausad nito si Mount Pulag.

Sa huling kurbada ay nakakapit na si Mount Pulag at nakipagtagisan na ito ng bilis sa rektahan.

Naagaw ng winning horse ang unahan sa huling 75 metro ng 1,200-meter race.
“Maganda ‘yung remate namin, walang traffic,” masayang sabi ni Torres.

Sumegundo si Fighting Back third at fourth placer sina Honey­wersmypants at Summer Cruise sa event na pinasibat sa unang karera.

Samantala, nagwagi sa Race 2 si Raxa Bago, sinakyan siya ni class A jockey JA Guce. (Elech Dawa)

The post Mount Pulag nanilat appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *