Morrison malakas tsansa sa Olympics

DALAWANG Olympic qualifying tournament pa ang maaaring salihan ni thrower William Edward Morrison III kaya malaki ang tsansa nitong makakuha ng ticket sa 2020 Tokyo Games na nausog sa susunod na taon.

The post Morrison malakas tsansa sa Olympics first appeared on Abante.

morrison malakas tsansa sa olympics - Morrison malakas tsansa sa Olympics
abante olypics - Morrison malakas tsansa sa Olympics

DALAWANG Olympic qualifying tournament pa ang maaaring salihan ni thrower William Edward Morrison III kaya malaki ang tsansa nitong makakuha ng ticket sa 2020 Tokyo Games na nausog sa susunod na taon.

Naniniwala si Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico na kayang abutin ni 6-foot-3 Morrison ang Olympic standard.

Ambisyon ni Morrison ang maging ikalawang Pinoy thrower na makalahok sa Olympics, una dito si Josephine dela Vina noong 1972 edition sa Munich, Germany, para makasama sa Tokyo Games.

Puntirya ni Morrison na makuha ang Olympic standard na 21.10 metro sa men’s shotput event upang makasama sina pole vaulter Ernest John O­biena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno sa quadrennial meet. (Elech Dawa)

The post Morrison malakas tsansa sa Olympics first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *