Morris, Cousins nagkapikunan

First quarter pa lang, nagbalyahan na sina Markieff Morris at DeMarcus Cousins sa laban ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets kahapon.

The post Morris, Cousins nagkapikunan first appeared on Abante.

morris cousins nagkapikunan - Morris, Cousins nagkapikunan
abante cousins 1 - Morris, Cousins nagkapikunan

First quarter pa lang, nagbalyahan na sina Markieff Morris at DeMarcus Cousins sa laban ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets kahapon.

Nangyari ito matapos banggain ni Morris si Rockets guard Jae’Sean Tate na kinatumba nito.

Ginanti naman ni Cousins ang kanyang teammate at inararo si Morris, dahilan para ito naman ang mapahiga sa hardcourt.

Hindi ito nagustuhan ni Morris at dito na sinugod si Cousins kahit hanggang bench nito ay nagpapatsudahan ang dalawa.

Hinatulan ng technical foul sina Morris at Cousins, habang nakatanggap pa ng flagrant foul penalty 1 ang Lakers forward dahilan para mapatalsik ito sa court.

Sa secon quarter naman, na-eject din si Cousins matapos niyang mahampas sa ulo si LeBron James, na tinawagan ng flagrant foul penalty 2.

Wagi ang Lakers, 120-102, kumolekta si James ng 18 points at tig-pitong rebounds at assists. (Ray Mark Patriarca)

The post Morris, Cousins nagkapikunan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *