Morris, Bogues bibisita sa bansa

DADATING ng bansa sina Denver Nuggets guard Monte Morris at NBA legend Muggsy Bogues para pangunahan ang tipoff ng NBA 3X Philippines 2019 presented by AXA sa August 3-4 sa SM Mall of Asia Music Hall.

morris bogues bibisita sa bansa - Morris, Bogues bibisita sa bansa
ABANTE big - Morris, Bogues bibisita sa bansa

DADATING ng bansa sina Denver Nuggets guard Monte Morris at NBA legend Muggsy Bogues para pangunahan ang tipoff ng NBA 3X Philippines 2019 presented by AXA sa August 3-4 sa SM Mall of Asia Music Hall.

Nasa pang-siyam na sunod na taon na ang NBA 3X, isang elite 3-on-3 basketball competition base sa FIBA 3×3 format at rules, NA sinahugan pa ng NBA entertainment.

Layon ng event na i-promote ang laro sa casual fans sa buong mundo.

Alas-10:00 nang umaga ng Sabado ang opening ceremonies, susundan ng maghapong bakbakan at sa pagitan ng mga ito ang iba’t ibang entertainment activities.

Tuloy ang mga laro at kasiyahan kinabukasan ng Linggo, uumpisahan sa alas-10:00 ng Celebrity Division games at semifinals at finals.

Kinahapunan ang Boys U13 at Boys U16 finals, Girls U18 at Boys U18 finals, Women’s Open at AXA finals, Men’s Open finals bago tatapusin sa awarding ceremonies.

Dagdag-kasiyahan ang pakuwela ng darating ding mascot ng 2019 NBA champions Toronto Raptors. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *