Morente, dyowa level up ang relasyon

Humarap man sa pagsubok ang mga balibolista ng bansa ngayong taon, nagwakas naman sa isang magandang anunsyo ang ibinalita ni Philippine SuperLiga ace player Michelle Morente papasok ng 2021.

The post Morente, dyowa level up ang relasyon first appeared on Abante.

morente dyowa level up ang relasyon - Morente, dyowa level up ang relasyon
pride - Morente, dyowa level up ang relasyon

Humarap man sa pagsubok ang mga balibolista ng bansa ngayong taon, nagwakas naman sa isang magandang anunsyo ang ibinalita ni Philippine SuperLiga ace player Michelle Morente papasok ng 2021.

Ibinahagi ng F2 Logistics Cargo Movers open hitter sa kanyang Instagram na engaged na ito sa kanyang karelasyon na si PetroGazz Angels middle blocker Jeanette Panaga.

Isang larawan ang ipinakita ng 5-foot-7 skipper sa social media kung saan makikitang suot na nito ang kanyang engagement ring at may caption pang “2020 plot twist”.

Bumati naman sa anunsyo ni Morente ang ilang volleybelles katulad nina Des Cheng, Melissa Gohing at Jem Ferrer. (JAToralba)

The post Morente, dyowa level up ang relasyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *