Morant, Grizzlies kapit sa No. 8

GUMAPANG ang Memphis Grizzlies bago tuluyang itinumba ang Oklahoma City Thunder, 121-92, kahapon sa restart ng 2019-2020 National Basketball Association (NBA) sa Disney World sa Orlando, Florida.

morant grizzlies kapit sa no 8 - Morant, Grizzlies kapit sa No. 8
JA - Morant, Grizzlies kapit sa No. 8

GUMAPANG ang Memphis Grizzlies bago tuluyang itinumba ang Oklahoma City Thunder, 121-92, kahapon sa restart ng 2019-2020 National Basketball Association (NBA) sa Disney World sa Orlando, Florida.

Nagsanib sina Dillon Brooks, Jonas Valancuinas at rookie Ja Morant upang maagaw ang bentahe sa halftime.

Tumikada si Brooks ng 22 points at anim na rebounds para sa Memphis na may 33-37 karta.

Kumana ng double-double si Valanciunas na 19 puntos at 10 rebounds habang 19 din ang tinipa ni Morant upang palakasin ang kapit ng Memphis sa pang-walong puwesto tangan ang 33-37 panalo-talo kartada. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *