Morant garahe dahil sa injury

PAHINGA ng tatlo hanggang limang linggo si Memphis Grizzlies guard Ja Morant matapos itong magtamo ng Grade 2 ankle sprain injury nitong Martes (Manila time).

The post Morant garahe dahil sa injury first appeared on Abante.

morant garahe dahil sa injury - Morant garahe dahil sa injury
Ja Morant 1 - Morant garahe dahil sa injury

PAHINGA ng tatlo hanggang limang linggo si Memphis Grizzlies guard Ja Morant matapos itong magtamo ng Grade 2 ankle sprain injury nitong Martes (Manila time).

Lumanding ang sophomore cager sa paa ng kanyang teammate na si Timothe Luwawu-Cabarrot kung saan nito natamo ang injury sa laban kontra Brooklyn Nets.

Kinailangan namang isakay sa wheelchair ang 21-year-old playmaker palabas ng court at hindi na nakabalik pa sa laro.

Detalye naman ni Adrian Wojnarowski ng ESPN via tweet, “X-Rays on Memphis guard Ja Morant’s left ankle reveal no fracture, sources tell ESPN. Team will await results of an MRI as soon as Tuesday.”

Nagwagi sa nasabing laban ang Grizzlies sa iskor na 116-111.

Noong nakaraang taon, bumida agad si Morant para sa Grizzlies na may average na 17.8 points and 7.3 assists per game at nagwagi pa bilang NBA Rookie of the Year. (JAToralba)

The post Morant garahe dahil sa injury first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *