Mojdeh pokus sa SEA Games

ISA sa sumisibol na swimmer sa Pilipinas ang batang si Micaela Jasmine Mojdeh.

The post Mojdeh pokus sa SEA Games first appeared on Abante.

mojdeh pokus sa sea games - Mojdeh pokus sa SEA Games
Micaela Jasmine Mojdeh - Mojdeh pokus sa SEA Games

ISA sa sumisibol na swimmer sa Pilipinas ang batang si Micaela Jasmine Mojdeh.

Subalit natengga na rin siya dahil sa mga nakanselang sporting events.

Nakatakda sanang lahukan ng teenage swimming sensation ang malalaking event ngayong taon tulad ng age group event sa Japan at Singapore magingang qualifying para sa Southeast Asia Age Group at Olympic Games.

Noong Marso sana sasalihan ni 14-year-old Mojdeh ang nasabing tournaments pero nasalto ito dahil sa coronavirus.

“Ang dami sana kaso COVID-19 happened. So hopefully, next year she plans on qualifying for SEA Age and sana sa SEA Games,” patungkol ni Joan Cacho-Mojdeh sa kanyang anak.

Nakansela rin ang World School Games sa London, Southeast Asia Age Group sa Malaysia, Hong Kong National Open, ASEAN Schools Games sa Pilipinas at Junior Pan Pacific Meet sa Hawaii.

Naka-gold si Mojdeh sa 2019 Hong Kong Open. (Elech Dawa)

The post Mojdeh pokus sa SEA Games first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *