Mocon kampi kay Cansino

NAGBIGAY ng kanyang opinyon si Rain or Shine star Javee Mocon sa kontrobersiya ukol sa ‘food war’ ng UST Growling Tigers.

The post Mocon kampi kay Cansino first appeared on Abante.

mocon kampi kay cansino - Mocon kampi kay Cansino
jayvee - Mocon kampi kay Cansino

NAGBIGAY ng kanyang opinyon si Rain or Shine star Javee Mocon sa kontrobersiya ukol sa ‘food war’ ng UST Growling Tigers.

“Please don’t make the players look bad. They were mistreated. ‘Yun ‘yung puno’t dulo’,” pananaw ng dating San Beda Red Lion.

“I understand where they are coming from and saludo ako sa inyo, in a way naranasan ko rin yan, pero if they can provide better food, bakit hindi? They expected more. They deserved better.”

Kamakailan kasi ay isinapubliko ni CJ Cansino ang hinaing nito tungkol sa ipinapakain sa kanila noong ‘UST Bubble Training’ sa Sorsogon.

Nag-trending ito kung saan ilang local basketball star ang rito.

Unang naglabas ng pahayag si UST alumni Allein Maliksi, Alaska star Vic Manuel at Letran forward Jerrick Balanza.

“Scholarship at makalaro lang all good na kami. Siomai Rice lang recovery meal na. Gusto mo footlong na madaming gravy. Or adobo na kasing labnaw ng sinigang may pawis pa ni mariong pilay ang sabaw,” kwento ni Maliksi.

“For me! Buti nga may nakakain p kayo. Nung college ako halos kulang tlga kmi s food at allowance maganda n nga suporta ng school nyo ng rereklamo p kayo s pgkain kung naranasan nyo lang hirap ko at ibang college players dati,” sundot naman ni Manuel. (Aivan Episcope)

The post Mocon kampi kay Cansino first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *