Mocon, Elasto Painters nilagok ang San Miguel

RAMDAM ng San Miguel Beermen ang pagkawala ni six-time reigning Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo, yumuko sa makukulit na Rain or Shine Elasto Painters, 87-83, sa unang laro kagabi sa 2020 Honda PBA Philippine Cup sa AUF Gym sa Clark, Pampanga.

The post Mocon, Elasto Painters nilagok ang San Miguel first appeared on Abante.

mocon elasto painters nilagok ang san miguel - Mocon, Elasto Painters nilagok ang San Miguel
abante jv mocoon - Mocon, Elasto Painters nilagok ang San Miguel

Mga Laro Ngayon:
(AUF Gym/Clark, Pampanga)
4:00pm – Meralco vs. Alaska
6:45pm – Magnolia vs. NLEX

RAMDAM ng San Miguel Beermen ang pagkawala ni six-time reigning Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo, yumuko sa makukulit na Rain or Shine Elasto Painters, 87-83, sa unang laro kagabi sa 2020 Honda PBA Philippine Cup sa AUF Gym sa Clark, Pampanga.

Nanguna sa opensa ng Rain or Shine si Javee Mocon sa kinulektang 25 puntos at anim na boards sa likod ng perfect 8-of-8 free throw at 3-of-5 sa three point area.

Agad umarangkada ang Rain or Shine (1-0) sa pagsisimula ng laro sa paghulog ng 16-0 bomba na pinasimulan ni Gabe Norwood ng isang tres at sinundan ni Mocon ng 10 sunod nitong puntos tampok ang dalawang tres bago ang isa pang tres ni Mark Borboran.

Gayunman, nakabawi ang Beermen (1-1) sa pagsagot naman nito sa 10-2 atake para unti-unting makabalik sa laro.

Papasok ng final quarter ay angat ng 13 marka ang Elasto Painters, 67-54.

Naibaba sa isa ang lamang ng Rain or Shine, 82-81, sa quick three ni Terrence Romeo sa natitirang 27.3 segundo.

Pero bumawi ng sariling tres si Rey Nambatac para iangat ulit sa apat ang abante ng Elasto Painters, 85-81, sa huling 13 seconds.

“Lumalaban lagi si Javee (Mocon),” sabi ni coach Caloy Garcia sa post-game interview.

Samantala, unahan makapaglista ng unang tagumpay ang NLEX at Magnolia sa second game mamaya sa AUF gym sa Angeles, Pampanga ganap na alas-6:45 ng gabi.

Natengga ng pitong buwan ang 0-1 kartada ng Magnolia matapos pataubin ng San Miguel Beermen, 94-78, sa opening night ng 45th season noon pang Marso 8, tatlong araw pa ang lumipas, itinigil na ang liga dahil sa coronavirus pandemic.

Sa unang laro, salpukan din ang Meralco Bolts at Alaska Aces sa alas-4 ng hapon. (Lito Oredo)

The post Mocon, Elasto Painters nilagok ang San Miguel first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *