Mitra: Bagong sports kumakatok sa GAB

ISANG bagong sports ang nakatakdang ilunsad bilang propesyonal na liga na hiwalay sa basketball at football.

mitra bagong sports kumakatok sa gab - Mitra: Bagong sports kumakatok sa GAB
abante gav - Mitra: Bagong sports kumakatok sa GAB

ISANG bagong sports ang nakatakdang ilunsad bilang propesyonal na liga na hiwalay sa basketball at football.

Ito ang inihayag ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham “Baham” Mitra sa pagdalo nito sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum.

“Another sports is asking us for a license and approval,” sabi ni Mitra.

“We don’t want to pre-empt anything right now, and we want them to give the privilege and honour and their time to announce their status.”

Una nang inihayag ng GAB ang pagiging propesyonal ng pinakabagong liga na Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 habang kumakatok na rin para gawing pro league ang NBL at WNBL.

Hindi naman inihayag ni Mitra kung anong sports ang nakatakdang magpahayag ng kanilang pagiging propesyonal na estado.

“PInag-aaralan pa namin ang lahat, Inaalam namin ang lahat ng kanialng capabilities. Tulad halimbawa ng ability nila na bubuuin tapos biglang mag-fold-up, iyung technical, iyung player’s contract, and others,” sabi nito. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *