Mismatch! Blazers tambak kay LeBron, Lakers

SA Kobe Bryant Day nitong Lunes sa Orlando, ibinaon ng Los Angeles Lakers ang Portland Trail Blazers sa 3-1 hole sa first round ng Western Conference playoffs.

The post Mismatch! Blazers tambak kay LeBron, Lakers first appeared on Abante.

mismatch blazers tambak kay lebron lakers - Mismatch! Blazers tambak kay LeBron, Lakers
Lebron James - Mismatch! Blazers tambak kay LeBron, Lakers

SA Kobe Bryant Day nitong Lunes sa Orlando, ibinaon ng Los Angeles Lakers ang Portland Trail Blazers sa 3-1 hole sa first round ng Western Conference playoffs.

Nasilat sa first game, tinuhog ng Lakers ang sumunod na tatlong laro huli ang 135-115 demolition sa Game 4.

Puwede nang umabante sa next round ang LA kapag nanalo muli sa Game 5 bukas.

Nasa playoff mode na si LeBron James, nagkamada ng 30 points mula 10 of 12 shooting, may 6 rebounds at 10 assists para giyahan ang Lakers.

Sa kabila, lumabas ng Game 4 si Damian Lillard dahil sa knee injury at nagkasya lang sa 11 points sa loob ng dalawang quarters.

Inabot din ng back spasms ang tandem ni LeBron na si Anthony Davis at lumabas ng laro.

Hindi na siya gaanong kinailangan ng Lakers dahil nakapagpundar na ng malaking lamang.

Nagliliyab ang Lakers, pasok ang 17 sa 39 na pukol sa 3-point range.

Pinagsamang 5 for 8 sa labas ng arc sina Kentavious Caldwell-Pope at Danny Green.

Tumapos si Green ng 14 points, may 12 si KCP, may 18 points, 5 rebounds at 5 assists si Davis bago lumabas at naka-18 points pa si Kyle Kuzma.

Nambarako ng 20 points at 13 rebounds si Jusuf Nurcik sa Blazers. (VE)

The post Mismatch! Blazers tambak kay LeBron, Lakers first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *