Milwaukee sunog sa free throw ni Jimmy

HINDI eksplosibo ang performance ni Jimmy Butler.

The post Milwaukee sunog sa free throw ni Jimmy first appeared on Abante.

milwaukee sunog sa free throw ni jimmy - Milwaukee sunog sa free throw ni Jimmy
heat - Milwaukee sunog sa free throw ni Jimmy

HINDI eksplosibo ang performance ni Jimmy Butler.

Pero bumawi ito nang isalpak ang dalawang panelyong free throw upang ibigay sa Miami Heat ang 116-114 panalo kontra Milwaukee Bucks sa Game 2 ng kanilang Eastern Conference semifinals Miyerkoles (Huwebes sa ‘Pinas) sa Disney World sa Orlando, Florida.

“What’s so impressive about the Heat victory tonight is that Butler didn’t have a good game but, Dragic with 23, Herro with 17, Crowder, and Adebayo all stepped up! The Miami Heat are very well coached and come at you in so many different ways,” tweet ni Earvin ‘Magic’ Johnson.

Nagtala si Goran Dragic ng 23 points para itarak ang 2-0 bentahe ng Miami sa kanilang best-of-seven series.

Pinasok ni Milwaukee forward Khris Middleton ang tatlong libreng tira upang itabla ang iskor sa 114, may apat na segundo na lang ang natitira sa orasan.

Sa sumunod na play, sinalo ni Butler ang inbound pass, pumeke sa bandang gilid malapit sa three point area at saka umera at binato ang bola.

Sablay pero na foul siya ni Milwaukee star at reigning Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo sabay tunog ng buzzer hudyat na wala nang oras.

Pero nabigyan ng dalawang free throw si Butler at pareho niya itong naipasok para tumapos ng 13 marka at anim na assists.

Tumikada naman si Antetokounmpo ng 29 markers at 14 boards para sa Milwaukee na kailangan manalo sa Game 3 upang hindi mabaon sa serye. (Elech Dawa)

The post Milwaukee sunog sa free throw ni Jimmy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *