‘Milo Home Court’ digital sports larga

NGAYONG limitado lamang ang maaaring lumabas dahil sa pandemya, naglunsad ang MILO Philippines ng kanilang digital “MILO Home Court” program para sa mga kabataan.

milo home court digital sports larga - ‘Milo Home Court’ digital sports larga
milo - ‘Milo Home Court’ digital sports larga

NGAYONG limitado lamang ang maaaring lumabas dahil sa pandemya, naglunsad ang MILO Philippines ng kanilang digital “MILO Home Court” program para sa mga kabataan.

Hangarin ng programa na mapanatiling aktibo at malusog ang mga kabataan sa paglatag ng siyam na sports na arnis, badminton, basketball, football, gymnastics, volleyball, taekwondo, tennis at karate.

“Maaring gumaling pa ang isang batang kahit sumisipa lang sa pader dahil sa kanyang kakulitan at mabibigyan ng tamang gabay ng isang coach mula online training ng MHC ay baka mahigitan pa niya ang sipa ng mga sumasabak sa aktuwal na torneo, diyan kasi sila nagsisimulang mahasa,” sambit ni Philippine Taekwondo Association coach Igor Mella sa ginanap na TOPS Usapang Sports On Air sa Zoom online.

Hayag naman ni Nestle-Philippines MILO assistant vice president Lester P. Castillo, “Stay at home ang mga bata, pero mga active pa rin ang mga ‘yan at hindi puwedeng pigilan sa gusto nilang sabakan na sports,”

Samantala, kaisa rin si 30th Southeast Asian Games gold medalist taekwondo jin Pauline Lopez, MILO brand ambassador, sa gaganaping digital program. (JAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *