Mika sabak sa aktingan

NAPALABAN sa aktingan si Philippine SuperLiga superstar Mika Reyes sa isang eksena mula sa kilalang pelikula na “Paano Na Kaya”.

The post Mika sabak sa aktingan first appeared on Abante.

mika sabak sa aktingan - Mika sabak sa aktingan
Mika Reyes - Mika sabak sa aktingan

NAPALABAN sa aktingan si Philippine SuperLiga superstar Mika Reyes sa isang eksena mula sa kilalang pelikula na “Paano Na Kaya”.

Sa vlog na ipinost ng Sta. Lucia Lady Realtors na ‘Guess Who Challenge’ sa YouTube, isang tanong ang nagkamali si Reyes kaya naman ito naparusahan ng pag-akting.

Diniliber ng beteranang middle blocker sa vlog ang iconic movie line na “(Pero, Bogs,) shinota mo ‘ko e. Shinota mo ang best friend mo!”

Kinaaliwan naman ito ng kanyang mga teammate na sina Amy Ahomiro, Bang Pineda at Marge Tejada.

Wala pa ring linaw kung kailan babalik ang team practice at ang mismong mga aksiyon sa PSL mula nang ihinto ang lahat ng sporting event noong Marso dahil sa coronavirus pandemic. (JAT)

The post Mika sabak sa aktingan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *