Mighty Sports astig sa Dubai

PATULOY na namamayagpag ang Mighty Sports Philippines basketball team sa 2020 Dubai International Basketball Tournament matapos talunin ang Al Ittihad of Allepo ng Syria, 77-72, nitong Sabado.

mighty sports astig sa dubai - Mighty Sports astig sa Dubai
balkman 1 - Mighty Sports astig sa Dubai

PATULOY na namamayagpag ang Mighty Sports Philippines basketball team sa 2020 Dubai International Basketball Tournament matapos talunin ang Al Ittihad of Allepo ng Syria, 77-72, nitong Sabado.

Dahil sa panalo, nagtala ang Mighty Sports ng 2-0 at nananatiling nangunguna sa team standings ng competition.

Nitong Biyernes nauna nang pinataob ng Mighty Sports ang United Arab Emirates, 88-82.

Ayon kay Bong Cuevas ng Creative Pacific Group na siyang major sponsor ng Mighty Sports, nakapagtala ng dalawang sunod na panalo ang team Philippines dahil sa mainit na pagtanggap at pagsuporta ng mga Pinoy sa Dubai.

“Nakakagulat ang sobrang init na pagtanggap ng mga Pinoy fans sa Dubai, bukod sa likas na galing­ ng ating mga manlalaro, ang kanilang mga sigaw at palakpakan talaga ang isang dahilan ng ating dalawang sunod na panalo,” ani Cuevas.

Dalawang araw na pahinga ang Mighty Sports bago haharapin ang ES Rades ng Tunisia bukas, araw ng Martes dakong ala-una ng madaling-araw (Manila time).

Pinangungunahan ang Mighty Sports ni Filipino naturalized player Andrei Blatche at mga import na sina Ronaldo Balkman, Mckenzie Moore at Jalen Kendricks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *