Mighty lusot sa bangis ng UAE

NAKA-SURVIVE ang Mighty Sports sa bangis ni Fadi El-Khatib para hugutin ang 88-82 win laban sa host United Arab Emirates sa unang siklab ng Dubai International Basketball Championship Huwebes nang gabi sa Shabab Al Ahli Club.

mighty lusot sa bangis ng uae - Mighty lusot sa bangis ng UAE
mighty 1 - Mighty lusot sa bangis ng UAE

NAKA-SURVIVE ang Mighty Sports sa bangis ni Fadi El-Khatib para hugutin ang 88-82 win laban sa host United Arab Emirates sa unang siklab ng Dubai International Basketball Championship Huwebes nang gabi sa Shabab Al Ahli Club.

Kahit edad 40 na, nagpasabog pa rin ng 30 markers ang Lebanese legend na nagsisilbing import ng nasabing koponan, pero sinapawan siya ni Fil-Am Mikey Williams sa dulo ng Group B action sa naturang 11-team tournament.

Nagsalpak ang 6-foot-1 na si Williams ng tres para ibigay sa Alex Wongchuking-owned Mighty Sports ang 82-78 kalamangan kasunod ng turnover ng UAE – salamat sa magandang pasa ni naturalized Filipino Andray Blatche sa natitirang 74 ticks.

Pinalobo pa sa anim ng Mighty Sports, suportado ng Creative Pacific ni Bong Cuevas, Go for Gold, Oriental Group, Discovery Primea at Gatorade, 84-78 ang iskor nang makita ni Williams na kuma-cut sa ilalim si Renaldo Balkman para sa isang nakakangilong dakdak.

Nagbanta pa ang mga Emirati mula sa mga basket nina Rashed Ayman at El-Khatib para dumikit 84-82, pero muli silang hinarangan ni Williams sa pagsalpak naman ng dalawang foul throw.

Sinundan pa ito ng layup ni Thirdy Ravena para selyuhan ang panalo.
“It was a huge scare for us but we have to credit Mikey for showing great resolve. Big plays at crunch time,” sabi ni Wongchuking.

“I have to be a bit more patient because this is technically our first game together. But give credit to UAE, they played well, got to the free throw line a lot and El-Khatib is still a great player at his age,” sabi naman ni Mighty Sports coach Charles Tiu.

Mighty Sports (88) – Kendrick 19, Blatche 15, Balkman 15, Williams 15, Malonzo 8, Moore 8, Ravena 2, Go 2, Belga 2, Gomez de Liano Ju. 2, Ildefonso 0.

UAE (82) – El-Khatib 30, Alshabebi 27, Ayman 6, Alnuaimi 6, Almaazmi 5, N’Diaye 3, Sultan 0, Alajmanni 0.
Quarters: 22-16, 41-37, 63-65, 88-82

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *