Microsmith 13-U basketball team maglalaro sa Australia

Masusubukan ang ating Microsmith 13-Under Elite Boys Basketball Team sa pagsabak sa isang torneo sa darating na Mayo sa Australia.

microsmith 13 u basketball team maglalaro sa australia - Microsmith 13-U basketball team maglalaro sa Australia
Mark Herrera Mark My Word 8 - Microsmith 13-U basketball team maglalaro sa Australia

Masusubukan ang ating Microsmith 13-Under Elite Boys Basketball Team sa pagsabak sa isang torneo sa darating na Mayo sa Australia.

Makakaharap ng ating koponan ang ilang school at club teams.

Kukunin ko ang mga manlalaro mula sa De Laslle Zobel at Xavier School at mga susuportahan ng Mic­rosmith Technology System, Amb. Amble R. Aguiluz V, Dr. Amable C. Aguiluz IX, Congressman Eric Yap at House Deputy Speaker Paolo ‘Pulong’ Duterte.

Naurong ang opening ng 10th PBA D-League Aspirants Cup 2020 dahil sa pagkalat ng novel coronavirus o COVID-19. Mag-o-open sana ito sa Pebrero 13 sa Ynares Sports Arena sa Pasig tampok ang 12 teams na kalahok.

Kabilang sa mga kasali ang 11 school-based squad kasama ang AMA Online Senior High na nasa ilalim ng inyong lingkod at ang nag-iisang commercial squad Marinerong Pilipino

Talagang nasa alert status ang ating bansa sa nakakamatay na virus na buhat sa Whuna, China kaya ‘di lang PBADL ang nag-atras ng opening. Damay rin ang 45th PBA Philippine Cup.

Binabati ko ang aking pamangkin na si Janella Herrera at ang kanyang team sa pagkapanalo sa liga nila sa Los Angeles USA.

Walang talo ang team sa Sunset/Metro Girls Varsity basketball league.
Maligayang kaarawan ang aking mga player na sina Ej Magpayo at Richel Cabaluna

Magsisimula na po ang AMA Cup Season 3 sa Marso. Lahat po ng gusto sumali puwede nang magpareserba ng slot sa AMA Cup page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *