Michelle nabitin

AMINADO si DLSU Lady Archers star Michelle Cobb na nabigla siya at ang kanyang koponan nang maudlot ang UAAP Season 83.

The post Michelle nabitin first appeared on Abante.

michelle nabitin - Michelle nabitin
abante michelle 1 - Michelle nabitin

AMINADO si DLSU Lady Archers star Michelle Cobb na nabigla siya at ang kanyang koponan nang maudlot ang UAAP Season 83.

“Oh my God, grabe as in hindi ko inexpect yun. As in sa group chat [namin]. It was really shocking,” kwento ni Cobb sa Volleyball DNA.

Magugunitang nabitin ang volleyball tournament nitong UAAP Season 82 dahil sa biglang pagputok ng COVID 19.

Sa gitna ng pademya, napaulat kamakailan na posibleng matuloy na ang UAAP kahit na dalawang sport lang pero kalaunan ay bigla ring binawi.

Nanghinayang si Michelle dahil positibo ito at malaki sana ang potensiyal sa nakaraang season ng Taft-based squad.

“The team [sa Season 82] really had great potential as in kahit na ‘yung nga, off season parang positive kaming lahat,” lahad nito pero naintindihan naman aniya niya ang naging sitwasyon.

“Pero siyempre safety first,” sambit nito. (Aivan Episcope)

The post Michelle nabitin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *