Miami silat kay Pritchard

Nasa court na ng Miami ang Boston nang mag-walk off ang Celtics at Heat, nagkaroon ng players-only meeting sa locker room.

The post Miami silat kay Pritchard first appeared on Abante.

miami silat kay pritchard - Miami silat kay Pritchard
11 - Miami silat kay Pritchard

Nasa court na ng Miami ang Boston nang mag-walk off ang Celtics at Heat, nagkaroon ng players-only meeting sa locker room.

Pinag-usapan ang magulong protesta ng supporters ni President Donald Trump sa US Capitol, at ang desisyon na huwag kasuhan ang isang police officer na nakabaril kay Black man Jacob Blake sa Kenosha, Wisconsin noong isang taon.

Bumalik ng court ang Celtics, at sinabayan sila ng Heat sa pagluhod sa national anthem.

Balik sa laro, nagpukpukan ang dalawa bago ang putback ni 6-foot-2 rookie Payton Pritchard at nasilat ng Boston ang Miami 107-105.

Naglunsad ng 13-0 run ang Boston, sinagot ng sariling 10-0 blitz ng Miami para itabla sa dulo para lang hiyain ni Pritchard.

May pinagsamang 48 points sina Jayson Tatum at Jalen Brown para pangunahan ang Boston. May 12 rebounds at 5 assists pa si Brown.

Nagdagdag ng 13 points si Daniel Theis, tumapos ng 6 si Pritchard.

Nawalan ng saysay ang 26 points, 8 rebounds ni Jimmy Butler sa Miami, at ang halos triple-double na 15 points, 8 rebounds at 10 assists ni Bam Adebayo.

Isa-isa nang itinumba ng Celtics ang Bucks, Pacers at Heat – tatlong Eastern Conference playoff teams noong isang taon. (VE)

The post Miami silat kay Pritchard first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *