Mga volunteer sa SEA Games dumadaing

Mga volunteer sa SEA Games dumadaing

BUKOD sa mga substandard na ­facility na pagdarausan ng mga laro, panay volunteer ang ­inaasahang kikilos para sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na ­Nobyembre 30-Disyembre 11 sa bansa.

mga volunteer sa sea games dumadaing - Mga volunteer sa SEA Games dumadaing
sea games 3 - Mga volunteer sa SEA Games dumadaing

BUKOD sa mga substandard na ­facility na pagdarausan ng mga laro, panay volunteer ang ­inaasahang kikilos para sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na ­Nobyembre 30-Disyembre 11 sa bansa.

Binunyag ito sa “usapang SEA Games” thread ni netizen @AltABSCBN, ilang beses niyang dinetalye ang hirap ng mga volunteer sa nalalapit na 11-nation, 12-day sportsfest.

Sabi ng netizen, “pati clerical jobs nakaasa” sa mga volunteer, na walang maayos na allowance at “kkb” o kanya-kanyang bayad sa pamasahe sa ­buong tatlong linggo.

Maging mga photographer, kukulangin din aniya kaya kailangan ng mga volunteer na mayroong SLR camera.

“The danger of getting volunteers is the potential risk that it may cause the event. Hindi ko sinasabing masasama ang volunteers. Pero dahil ‘di sila bayad at walang kontrata, walang pananagutan,” hayag ni @AltABSCBN.

May high-tier at low-tier pa aniyang volunteer sa SEA Games: “Yung high tier daming foods tapos may pa-gasolina pa sa mga kotse. Mga burgis. Kalowka. ‘Yung mga low tier adobo ni Imelda levels.”

‘Di rin aniya sinasagot nang maayos ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o Phisgoc ang iba pang mga tanong tungkol sa SEAG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *