Mga venue ready na sa Oktubre — Fernandez

Mga venue ready na sa Oktubre — Fernandez

UMAASA ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na matatapos ang lahat ng mga inihahanda nitong competition venues sa u­nang araw ng Oktubre para sa 30th Southeast Asian Games na magsisimula sa Nobyembre 30.

mga venue ready na sa oktubre fernandez - Mga venue ready na sa Oktubre — Fernandez
ramon 2 - Mga venue ready na sa Oktubre — Fernandez

UMAASA ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na matatapos ang lahat ng mga inihahanda nitong competition venues sa u­nang araw ng Oktubre para sa 30th Southeast Asian Games na magsisimula sa Nobyembre 30.

Ito ang sinabi ni PSC commissioner Ramon Fernandez kasama ang opisyales ng Philippine Olympic Committee at Phisgoc sa ginanap na signing ceremony sa pagtulong ng Grammy Award winner na rapper at record producer na si Allan Pineda Lindo o mas kilala bilang Apl.de.Ap ng grupong Black Eyed Peas nitong Martes.

“We had set a timeline of before the first day of October, kailangan puwede na magamit ang mga venue ng mga atleta natin,” sabi ni Fernandez patungkol sa isinasagawang mga renobasyon at pagkukumpuni sa mga pasilidad na nasa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex, Ninoy Aquino Stadium at PhilSports Arena o ULTRA. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *