Mga unforced error lilimitahan ng DLSU

NAGPAPATULOY ang matitinding paluan ngayong Miyerkoles sa pagtatapat ng defen­ding champs De La Salle University Lady Spikers at National University Lady Bulldogs alas-4:00 nang hapon sa se­cond round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

The post Mga unforced error lilimitahan ng DLSU appeared first on Abante News Online.

mga unforced error lilimitahan ng dlsu - Mga unforced error lilimitahan ng DLSU
spikers 1 - Mga unforced error lilimitahan ng DLSU

Standings W L
Ateneo 7 1
DLSU 5 3
FEU 5 3
UP 5 3
UST 5 3
NU 2 6
UE 2 6
Adamson 1 7

Mga Laro Miyekoles/Marso 27
(FilOil Flying V Centre)
2:00pm — UST vs Adamson
4:00pm — DLSU vs NU

NAGPAPATULOY ang matitinding paluan ngayong Miyerkoles sa pagtatapat ng defen­ding champs De La Salle University Lady Spikers at National University Lady Bulldogs alas-4:00 nang hapon sa se­cond round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Hindi pinalad na makaresbak ang Lady Spikers sa sagupaan nila ng UP Lady Maroons noong Marso 24.
Winalis via straight set ng mga taga-Diliman ang three-time champs 16-25, 24-26, 19-25.

Dismayado si La Salle head coach Ramil De Jesus sa dami ng unforced errors ng koponan at performance na ipinakita ng kanyang mga manlalaro.

“Sabi ko naman sa kanila, hindi kalaban ninyo ang magpapanalo sa inyo. Kayo ang magpapanalo sa sarili ninyo. Unang-una siyempre, ‘yung serve,” pahayag ni De Jesus.

Samantala, bigo rin masungkit ng Lady Bulldogs ang kanilang panalo noong Marso 20 laban sa UE Lady Warriors.
Nanaig ang UE laban sa Sampaloc-based volleybelles via 4 sets 16-25, 18-25, 26-24, 16-25.

The post Mga unforced error lilimitahan ng DLSU appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *