Mga ‘top gun’ ng Ginebra kukunin ni Cone sa Gilas

KUNG bibigyan ng free hand si coach Tim Cone sa pagpili ng komposisyon ng kanyang team para sa 2019 SEA Games, may posibilidad kayang hugutin niya ang players sa ilalim ng San Miguel Corp. umbrella?

mga top gun ng ginebra kukunin ni cone sa gilas - Mga ‘top gun’ ng Ginebra kukunin ni Cone sa Gilas
tim cone 4 - Mga ‘top gun’ ng Ginebra kukunin ni Cone sa Gilas

KUNG bibigyan ng free hand si coach Tim Cone sa pagpili ng komposisyon ng kanyang team para sa 2019 SEA Games, may posibilidad kayang hugutin niya ang players sa ilalim ng San Miguel Corp. umbrella?

May 24-man pool ang Samahang Basketball ng Pilipinas, binubuo ng PBA at collegiate players. Naisumite na ito sa SEAG Organizing Committee pero puwede pang baguhin bago ang Sept. 30 deadline.

Lunes ay ninombrahan ng SBP si Cone para magtimon sa Gilas Pilipinas Men’s team para sa SEAG lang.

Baka lang, tawagin ni Cone ang top guns niya sa Ginebra, pati ang mga pamato ng San Miguel at Magnolia para isali sa pool.

Tutugon kaya ang mga tatapikin niya?

“Hatak ‘yan (SMC players) ‘pag si Tim Cone,” nabanggit noon ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan bago pa ang appointment ng Gin Kings coach.

Tinanggap na rin ni Cone ang offer.

Sa mga susunod na araw, makikipag-usap si Cone sa SBP para ilatag na ang kanyang sistema sa preparasyon bago ang regional biennial games na iho-host ng Pilipinas sa Nov. 30-Dec. 11.

“I will sit down with the SBP over the next couple of days and come up with a plan of attack in terms of preparation, and we’re hoping by the end of the week, we’ll have a pool of players working together at full force,” pahayag ng 21-time PBA champion coach.

“I’m extremely excited to get going.”

May dalawang buwan pa si Cone para ilatag ang kanyang programa, sistema, pumili ng players at preparasyon.

Excited na siyang magsimula.

“Even though my appointment is just a stop-gap measure and a short-term commitment, I am incredibly honored and proud to be selected to coach in the SEA Games,” aniya. “Wow! I’m very happy to help in any way.” (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *