Mga SEA Games venue malapit nang matapos

Nasasabik na ako para sa 2019 SEA Games kaya naman naisip kong talakayin ang ilan sa mga playing venue para sa okasyon.

mga sea games venue malapit nang matapos - Mga SEA Games venue malapit nang matapos
Sports Yang Yang Mallare 1 - Mga SEA Games venue malapit nang matapos

Hi YANGsters!

Nasasabik na ako para sa 2019 SEA Games kaya naman naisip kong talakayin ang ilan sa mga playing venue para sa okasyon.

Muli ay salamat sa aking Editor na si Ferdz Delos Santos at salamat sa Abante sa pagbibigay ng espasyo sa ating kolum na maging bahagi ng dyaryo ng mga tunay na tabloidista.

Simulan na natin.

***

Mahigit tatlong buwan bago ang hosting ng Pilipinas ng 30th Southeast Asian Games (SEAG) ay nagiging makatotohanan na rin ang sports facilities na gagamitin para sa biennial regional meet.

Unahin natin ang New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.
Abril noong nakaraang taon nang simulan ang construction ng 50-hectare complex kung saan itinatayo ngayon ang Athletic Stadium, Aquatic Center, Athletes Village at National Sports Training Center.

Nito lamang Hulyo ay nasubukan na ng ilan sa mga miyembro ng Philippine Athletics and Track and Field team ang ipinagmamalaking 20,000 Athletic Stadium na inspired daw sa Mount Pinatubo na may lahar finish.
Wow. May ganern?

Dito na nagte-training ang mga National Trackster mula sa Lingayen, Pangasinan para maging pamilyar sa track para sa SEAG.
Maging ang 2,000-seating capacity na Aquatic Center ay papatapos na rin, tubig na lang ang kulang. Joke! Hahaha. Konting kembot at flex na lang mga bes ay matatapos na rin at magagamit na ng National Swimmers at Divers ang bagong facility.

Bongga!

Bukod sa New Clark City Sports Complex, araw-gabi rin ang rehabilitation ng makasaysayang PhilSports Complex sa Pasig City.

Salamat sa Philippine Sports Commission at PAGCOR sa development na ito. Mabuhay po kayo Chairman Butch Ramirez at Chairperson Andrea Domingo.

Mula sa videong in-upload ng PSC sa Facebook, ready na ang Medical Scientific Athletes Services (MSAS) at malapit-malapit na rin ang completion ng Multi-Purpose Arena na venue naman sa volleyball event ng 30th SEAG.

‘Ika nga, “Slow progress is still progress.” Unti-unti, nagkakaroon na ng kulay ang dati’y drawing lang para sa hosting ng 30th SEAG.

Tayo sigurong mga normal citizen, the best thing that we can contribute now is prayer – dasal na sana’y matapos on-time at maging successful ang staging ng 2019 SEAG sa November 30 hanggang December 11.

Ang pride ng Pilipinas ay pride nating lahat. Kaya kung puwede love love love lang? PUWEDE!

Sa may mga suhestiyon para sa future topic natin maaari ninyo akong i-email sa mallare.arianne@gmail.com o padalan ako ng private message sa Twitter at @ariannemallare. PM is the key!

Hanggang sa susunod nating isyu YANGsters, salamat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *