Mga player, staff negatibo sa virus

Negative lahat ang resulta ng swab tests ng players, team staff at PBA personnel na pumasok sa Clark bubble, Huwebes ay inumpisahan na ng 12 teams ng PBA ang practice sa Angeles University Foundation gym sa Pampanga.

The post Mga player, staff negatibo sa virus first appeared on Abante.

mga player staff negatibo sa virus - Mga player, staff negatibo sa virus
COVID 6 - Mga player, staff negatibo sa virus

Negative lahat ang resulta ng swab tests ng players, team staff at PBA personnel na pumasok sa Clark bubble, Huwebes ay inumpisahan na ng 12 teams ng PBA ang practice sa Angeles University Foundation gym sa Pampanga.

Mula sa tinutuluyang Quest Hotel sa Clark Freeport Economic Zone, 10 minutong biyahe lang ng bus papuntang AUF.

Pitong teams ang nakapag-ensayo sa Day 1 mula 1 pm, tigalawang oras ang Magnolia at Meralco. Nasa main gym sa 4th floor ng AUF ang Hotshots, sa 2nd floor ang Bolts.

Pagkatapos ng tokang oras ng bawat team, naglaan ng 30 minutes para i-sanitize ang lugar bago papasok ang kasunod na naka-schedule.

Kinabukasan, mula 7 am na ang practice, tigalawang oras pa rin. Hinati sa tig-anim na teams ang 4th at 2nd floors.

Sa unang pagkakataon, nakapag-scrimmages na ang teams pero walang tuneup games. Sila-sila lang muna.

Mula Aug. 25 ay workouts lang muna ang tinanguan ng IATF, walang five-on-five.

Inaasahang maibabalik na ang kondisyon ng players sa pagsiklab ng restart sa Oct. 11. (VE)

The post Mga player, staff negatibo sa virus first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *