Mga PBA team hindi pasaway

BALIK ensayo na ang mga team sa PBA, balik sa conditioning at skills training ang mga player.

The post Mga PBA team hindi pasaway first appeared on Abante.

mga pba team hindi pasaway - Mga PBA team hindi pasaway
basketbolera 2 - Mga PBA team hindi pasaway

BALIK ensayo na ang mga team sa PBA, balik sa conditioning at skills training ang mga player.

Mahigpit na ipinapatupad ng PBA ang health protocols kaya naman siguradong safe.

Kailan lang ay nasuspinde ang Phoenix head coach na si Louie Alas dahil hindi sinasadyang nalabag nito ang mga guideline sa team practice.

Ayon naman kay Commissioner Willie Marcial, hindi naman nagpapasaway ang mga team at hindi rin naman makakalusot ang mga ito dahil may pa-surprise visit ang ilang miyembro ng GAB para matiyak na ligtas ang lahat.

Kapag pinayagan ng IATF ang scrimmage sa mga team, balak ng liga na magbalik laro sa Oktubre.

Iniaayon ng PBA ang kanilang format sa NBA na ngayon ay nasa semis na.

Marami rin ang nagpapakita ng interes sa liga para suportahan ito sa binabalak na bubble.

Magandang move ito kung sakaling magkaroon ng bubble ang PBA para naman masigurado na hindi na pupunta pa kung saan ang mga manlalaro at wala nang mahawa ng virus.

Abangan natin ang magiging desisyon ng IATF patungkol dito mga ka-Abante.

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan tuwing Martes, 4pm. Salamat po. God bless!

The post Mga PBA team hindi pasaway first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *