Mga PBA player aprub sa bubble

Inihayag ng mga player ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagsang-ayon sa pananatili sa bubble o semi-bubble set-up para matuloy ang 45th season Philippine Cup.

The post Mga PBA player aprub sa bubble first appeared on Abante.

mga pba player aprub sa bubble - Mga PBA player aprub sa bubble
pba 4 - Mga PBA player aprub sa bubble

Inihayag ng mga player ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagsang-ayon sa pananatili sa bubble o semi-bubble set-up para matuloy ang 45th season Philippine Cup.

Sa pulong nitong Miyerkoles kasama si league Commissioner Willie Marcial, tiniyak ng mga cager mula sa 12 koponan na payag silang manatili ng dalawang buwan sa bubble.

Kabilang sa pinag-usapan ang bubble categories na bubble, semi-bubble at closed-circuit na ilalatag ng liga sa restart sa Oktubre.

“Lahat sila willing maglaro sa NBA type bubble or semi-bubble. Ayaw nila ng closed-circuit. They requested to do away with it,” ani Marcial.

Ipararating ng komisyoner ang iisang opinyon ng mga manlalaro sa PBA Board of Governors meeting mamaya para pagpasyahan ang bubble concept. (Janiel Abby Toralba)

The post Mga PBA player aprub sa bubble first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *