Mga OTB sarado pa

PINUTAKTE ng negatibong komento ng mga karerista ang nalalapit na pagbabalik ng karera.

The post Mga OTB sarado pa first appeared on Abante.

mga otb sarado pa - Mga OTB sarado pa
horse - Mga OTB sarado pa

PINUTAKTE ng negatibong komento ng mga karerista ang nalalapit na pagbabalik ng karera.

Hindi kasi pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na isama ang mga Off-Track Betting station (OTB) sa bubuksan kaya telebet at off-Site Betting ang gagamitin para makataya.

Nakaraan lamang ay nabasa ng mga karerista na may lumabas na statement ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa kanilang website tungkol sa pagbubukas sana ng karera sa Setyembre 6, pero ilang oras pa lang ay agad nawala.

“Minamadali nila ang pagbubukas ng karera. Wala namang malinaw na tayaan. ‘Yung sinasabi nilang tayaan ay puro cash-in ang ipinapaliwanag. Paano naman ‘yung cash out? Tiyak na pahirapan yan,” hayag ni Luisito Cabral, kareristang taga-Tayuman.

“Ipaliwanag ninyo naman kung paano mag-cash out, puro cash in tapos pag hindi na cash out mapipilitang tumaya hanggang sa maubos, puro sila pakabig” saad ni Manolo Calixto sa Facebook page ng karera.

Sinikap ng Abante Sports na kunin ang reaksiyon ng ng Philracom subalit wala pa itong tugon sa private message sa Facebook. (Elech Dawa)

The post Mga OTB sarado pa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *