Mga Lakers fan buwisit kay Kyle

GALIT nga kaya ang Lakers nation kay Kyle Kuzma?

The post Mga Lakers fan buwisit kay Kyle first appeared on Abante.

mga lakers fan buwisit kay kyle - Mga Lakers fan buwisit kay Kyle
kuzma - Mga Lakers fan buwisit kay Kyle

GALIT nga kaya ang Lakers nation kay Kyle Kuzma?

Iginawa pa ng page sa Change.org si Kuzma, pinalalakad na ang petisyon para huwag tumanggap ng ring ang forward sakaling manalo ang Los Angeles sa NBA Finals. (Nanalo ang Miami 115-104 sa Game 3 para idikit ang series 2-1).

Ala-1:06 ng hapon bago ang tipoff ng Game 3, umabot na sa 1,413 ang pirma. Makalipas ang dalawang oras ay umakyat ng 4,000.

Siguro ay natunugan na tinu-troll siya ng mga dismayadong fans, pakitang-gilas si Kuzma sa 19 points off the bench pero hindi kinayang ilayo sa 3-0 ang LA. Sa first two games ay may 3 at 11 points siya.

Pakiramdam ng fans, hindi natugunan ni Kuzma ang expectations sa kanya.

Si Kuzma lang ang naiwan sa young core nang iligwak ng Lakers sina Lonzo Ball, Brandon Ingram, Larry Nance Jr. at Jordan Clarkson.

“Kyle Kuzma is a f***boi and he shouldn’t get a ring if the LA Lakers win the 2020 NBA Finals,” anang petition. (VE)

The post Mga Lakers fan buwisit kay Kyle first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *