Mga karerista ‘umiyak’ kay Prime Time Magic

MARAMING kareristang nalaglag ang kanilang ticket sa Winner Take All, Pick 6 at Pick 5 nang manalo ang dehadong si Prime Time Magic sa 2020 Philracom Hopeful Stakes Race.

The post Mga karerista ‘umiyak’ kay Prime Time Magic first appeared on Abante.

mga karerista umiyak kay prime time magic - Mga karerista ‘umiyak’ kay Prime Time Magic
karera 2 - Mga karerista ‘umiyak’ kay Prime Time Magic

MARAMING kareristang nalaglag ang kanilang ticket sa Winner Take All, Pick 6 at Pick 5 nang manalo ang dehadong si Prime Time Magic sa 2020 Philracom Hopeful Stakes Race.

Nilarga ang nasabing karera nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, lupaypay ang balikat ng mga karerista nang silatin ni Prime Time Magic na nirendahan ni class A rider RM Garcia ang liyamadong si Exponential.

“Tatlo na parating ko sa Pick 5 nalaglag pa, pati WTA ko nadamay, sayang,” hayag ni Rene Cordero na mananaya na taga-Tondo, Manila.

Dahil sa panalo ni Prime Time Magic, nagkaroon ng carryover na P87,529.00 sa Pick 5.

Sumegundo si Spandau Ballet, tersero si Zenaida habang pumang-apat si Sweet Spot sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Hindi natimbang si Exponential kaya carryover din ang tayaan sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. (Elech Dawa)

The post Mga karerista ‘umiyak’ kay Prime Time Magic first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *