Mga kamoteng rider

jimmy-cantor-tagamasid

KUNG nakapanood na kayo ng moto grand prix, tiyak na manghang-mangha rin kayo, katulad ko, kung gaano kagaling ang mga kasaling rider sa naturang karera. Parang hindi gumagamit ng brake ang mga ito, lalong-lalo na sa kurbada. Hanep sa banking, ika nga. At sa diretso, tumatakbo ng higit 150 kph ang mga ito. Talagang hindi takot kay kamatayan.

The post Mga kamoteng rider appeared first on Abante News Online.

mga kamoteng rider - Mga kamoteng rider
27292742 2025963744087473 793004448 n - Mga kamoteng rider

KUNG nakapanood na kayo ng moto grand prix, tiyak na manghang-mangha rin kayo, katulad ko, kung gaano kagaling ang mga kasaling rider sa naturang karera. Parang hindi gumagamit ng brake ang mga ito, lalong-lalo na sa kurbada. Hanep sa banking, ika nga. At sa diretso, tumatakbo ng higit 150 kph ang mga ito. Talagang hindi takot kay kamatayan.

Palagay ko, ito ang ginagaya ng karamihan sa mga rider na naglipana dito sa atin, lalong-lalo na sa Metro Manila. Marahil, habang nagpapatakbo ang mga ito, iniisip nilang kasali sila sa moto GP.

Ang problema, may aksidenteng nangya­yari, hindi man sa mga rider na ito, kundi sa mga sasakyan at taong nakapaligid sa kanila. Ilang beses na ba kayong nakakita ng aksidenteng ang may kasalanan ay mga rider? Hindi n’yo na mabilang?

Sabi nga ng isang katoto, marahil, ang nasa isip ng mga rider na ito ay sila na ang hari ng kalsada. Pinalitan na nila ang jeep. Sabi ng katoto, nagkaroon ng P2,500, nakapag-down at nakapag-uwi na ng motor. Walang seminar na nangyari para sa safety requirements.

Kaya hayan, imbes na sa gitna ng guhit sa kalsada tumatakbo, binabaybay ng mga ito ang guhit. Pasingit-si­ngit, kung saan masikip, mas gusto.

Parang malayong-malayo sa Japan kung saan disiplinado ang mga rider, sa gitna ng kalsada tumatakbo, at kapag tumigil ang sasakyang nasa harap ay titigil din ang mga ito, hindi katulad sa atin na kapag stop o red light ay nag-uunahan sa unahan ang mga kamoteng rider. At kung umarangkada, walang pakialam sa mundo.

Kamakailan, pinir­mahan ni Pangulong Duterte ang batas tungkol sa motorsiklo. Nag-protesta kaagad ang mga kamote at sinabing delikado ang gustong mangyari ng gobyerno na magkaroon ng plaka sa una­han ng motor, bukod pa sa likod. At kaila­ngang puwedeng basahin ang plaka sa layong 15 metro.

Ang naturang batas ay panlaban sa tinatawag na riding in tandem na mga kriminal, ‘yung ginagamit ang motor para gumawa ng masama at makakatakas ng mabilis. Ilan na ba ang nabalitaan ninyo na pinatay ng riding in tandem? Ako, hindi ko na mabilang.

Balik tayo sa bagong batas. Bilang protesta, nagkaroon ng unity ride ang mga nagmo-motor at pumunta sa Senado para iparinig ang kanilang hinaing, lalong-lalo na kay Sen. Richard Gordon na siyang may akda ng nasabing batas. Ang sagot ni Gordon, puwede namang sticker lang ang plakang ikakabit sa harap ng motor, hindi delikado.

Kasalukuyan pa lang ginagawa ang implementing rules and regulations ng bagong batas at wala pang pinal na desisyon. Kung ako ang tatanu­ngin, kailangang ipagbawal ang pag-gamit ng closed helmet o ‘yung helmet na hindi kita ang mukha ng rider. Ang kailangang helmet na gamitin ay yung parang pang-baseball.
Marami pa tayong ibibigay na suhestiyon sa ating susunod na pitak.

The post Mga kamoteng rider appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *