Mga Fil-Am na may interes sa national team dumarami

isport-lang-zaldy-perez

NAKAKATUWA at dumarami na ang mga Fil-Am na nagkaka-interes na ipakita ang kanilang talento sa basketbol sa ating mga kababayan at makapaglaro para sa bansa.

The post Mga Fil-Am na may interes sa national team dumarami appeared first on Abante News Online.

mga fil am na may interes sa national team dumarami - Mga Fil-Am na may interes sa national team dumarami
sp zp - Mga Fil-Am na may interes sa national team dumarami

Zaldy Perez

NAKAKATUWA at dumarami na ang mga Fil-Am na nagkaka-interes na ipakita ang kanilang talento sa basketbol sa ating mga kababayan at makapaglaro para sa bansa.

Huwag na nating banggitin pa si Jordan Clarkson ng Cavs sa NBA na naglaro na sa Gilas Team sa nakalipas na Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Pinaka-latest na nagpahayag ng kagustuhan na makapaglaro sa national team ay ang anak ni former NBA star Metta World Peace (Ron Artest) na si Jeron.

Narito sa bansa si Metta para suportahan ang kanyang anak na naglaro sa National Basketball Training Center (NBTC) League.

Naglaro ang 18-year-old na si Artest para sa Filam Sports USA.

Ayon kay Metta, proud ang kanyang anak na isa siyang Pilipino at gusto niyang makapag­laro para sa Philippine Team balang araw.

Ka-team ni Artest sa Filam Sports team ang US top high school prospect na si Jalen Green na isang ring Fil-Am.

Nauna nang nagpahayag ng kagustuhan ang 17-year-old na si Green na makapaglaro rin para sa Pilipinas.

Sa taas ni Green na 6’6”, sinasabi na aabot ito ng 7-footer.

Nakita ang pruweba ni Green sa NBTC League nang harap-harapang dakdakan si Kai Sotto sa sagupaan ng Filam Sports at Ateneo Blue Eaglets sa second quarter.

Sa kabila na paborito ang Filam Sports na tatanghaling kampeon sa NBTC League ay out of contention na ito matapos na yumukod sa San Beda Red Cubs, 98-91, noong Huwebes.

Maging ang Blue ­Eaglets ay eliminated na rin.

Ang isa pang nagnanais na makapaglaro para sa Pilipinas ay ang 6-foot Fil-Am na si Remy Macaspac Martin na nag­lalaro sa Arizona State sa Pac-12 US-NCAA Division 1.

Ang nanay ni Martin ay tubong-Pampanga at isa sa mga key player ng 4th-ranked Arizona State University Sun Devils. May average siya na 10.2 points, 2.8 assists, 3.1 rebounds per game.

Ang isa pang dapat na i-scout ng mga coach natin ay ang isa pang Fil-Am na si Sedrick Bihis Barefield ng University of Utah. Tulad ni Martin, point guard si Barefield at nasa Pac-12 ng US-NCAA Division 1 din.

Ang norm ni Barefield ay 10.6 points, 2.7 assists, 2.4 rebounds. Nagmula siya sa Centennial High School sa Corona, California.

Mga coach na naghahanap ng mga may potensiyal na mga batang player, ano pa ang hinihintay n’yo?

The post Mga Fil-Am na may interes sa national team dumarami appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *