Mga batang woodpusher aarya sa ‘Meralco Youth’

ISA sa mga pinaghahandaan ng mga batang woodpusher ang Meralco Youth Rapid Chess Tournament na susulong sa Hunyo 9 sa Multi-Purpose hall Ortigas Avenue sa Pasig City.

The post Mga batang woodpusher aarya sa ‘Meralco Youth’ appeared first on Abante News Online.

mga batang woodpusher aarya sa meralco youth - Mga batang woodpusher aarya sa ‘Meralco Youth’
chess1 - Mga batang woodpusher aarya sa ‘Meralco Youth’

ISA sa mga pinaghahandaan ng mga batang woodpusher ang Meralco Youth Rapid Chess Tournament na susulong sa Hunyo 9 sa Multi-Purpose hall Ortigas Avenue sa Pasig City.

Ang mga kategoryang paglalabanan ay Under 20 at Under 14 divisions sa one-day event na binasbasan ng National Chess Federation of the Philippines.

Nakalaan ang cash prizes sa mga magwawagi, hahamigin ng magkakampeon sa Under 20 division ang P5,000 plus trophy habang maibubulsa naman ng second hanggang fifth placers ang tig-P4,000 plus trophy, P3,000 plus trophy, P2,000 plus medal at P1,000 plus medal ayon sa pagkakahilera.

May nakalaan naman sa 6th hanggang 10th placers na tig-P500 plus medal.

Ibubulsa naman ng magwawagi sa Under 14 division ang P3,000 plus trophy, makokopo ng second at third placers ang tig-P2,000 at P1,000 plus trophies.

May tig-P700 at P500 plus medals ang 4th hanggang 5th placers habang ibubulsa ng 6th hanggang 10th ang tig-P300 plus medal. (Elech Dawa)

The post Mga batang woodpusher aarya sa ‘Meralco Youth’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *