Mga ‘armas’ ni Conor binebenta

BIDA ngayon sa isang auction house ang ipinanlabang gear ni UFC star Conor McGregor.

mga armas ni conor binebenta - Mga ‘armas’ ni Conor binebenta
Conor McGregor - Mga ‘armas’ ni Conor binebenta

BIDA ngayon sa isang auction house ang ipinanlabang gear ni UFC star Conor McGregor.

Nasa kamay kasi ng Fanatics Auction ang fighting gloves, hand wraps, shorts at Irish flag na ginamit ni Irish MMA fighter Conor sa bakbakan nila ni Donald Cerone.

Ang nasabing fight gear ang naging armas nito sa kanyang comeback career matapos ang malagim na pagkatalo kontra kay Khabib Nurmagodemov noong 2018.

Bawat item ay magkakaiba ang presyo.

Ang used gloves na may kasamang pirma ni ‘The Notorious’ ay may starting price na P125K at posibleng umabot pa sa P1.5M.

Habang ang shorts naman ay nasa kalahating milyong piso at ang binanderang Irish flag ay posibleng pumalo sa P125K. (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *