Meralco tinambakan Ginebra: Newsome ginanahan!

ANIM na miyembro ng Meralco Botls ang umiskor ng double figures upang dominahin ang Barangay Ginebra, 95-77, sa Game 2 para itabla ang best-of-five semifinals series ng 2020 Honda PBA Philippine Cup bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles City, Pampanga.

The post Meralco tinambakan Ginebra: Newsome ginanahan! first appeared on Abante.

meralco tinambakan ginebra newsome ginanahan - Meralco tinambakan Ginebra: Newsome ginanahan!
abante newsome 2 - Meralco tinambakan Ginebra: Newsome ginanahan!

Mga laro Linggo: (AUF Sports Arena)
3:45pm – TNT vs Phoenix
6:30pm – Meralco vs Ginebra

ANIM na miyembro ng Meralco Botls ang umiskor ng double figures upang dominahin ang Barangay Ginebra, 95-77, sa Game 2 para itabla ang best-of-five semifinals series ng 2020 Honda PBA Philippine Cup bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles City, Pampanga.

Nagtala si Chris Newsome ng 16 puntos, kasama ang 4 rebounds, 6 assists at 1 steal habang may tig-14 puntos sina Allein Maliksi at Bong Quinto.

May 12 puntos si Cliff Hodge, 11 puntos si Raymond Almazan at 10 naman kay Baser Amer upang ipantay ang serye sa tig-isang panalo.

Nagliyab ang Meralco sa ikaapat na yugto matapos na ibuhos ang 24-9 run na nagtulak sa Bolts sa 19 puntos na abante sa 89-70, may 2:50 minuto sa laro.

Isang jumper ni Newsome ang nagtulak sa 21 puntos ng Bolts sa 91-70 iskor.

Ibinuhos muna ng Bolts ang 23 puntos sa ikatlong yugto habang nilimitahan ang Gin Kings sa 11 lamang upang tabunan nito ang pinakamalaking 13 puntos na paghahabol at kapitan ang 65-61 abante sa pagtatapos ng ikatlong yugto.

Naiwanan ang Bolts sa 42-55, may 9:06 minuto sa quarter.

Nagtulong naman sina LA Tenorio at Japeth Aguilar bitbitin ang Gin Kings sa 50-42 abante sa pagtapos ng first half.

Nagpasok ni Tenorio ng apat na tres sa anim nitong tangka uang kolektahin ang 16 puntos dagdag pa ang apat na rebounds at dalawang assists. (Lito Oredo)

The post Meralco tinambakan Ginebra: Newsome ginanahan! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *