Meralco piniga ang Blackwater: Canaleta, Jose talsik sa sikuhan

NABALOT ng pisikal na salpukan ang huling limang segundo bago tuluyang naiuwi ng Meralco Bolts ang 89-85 panalo kontra Blackwater sa imalawang laro eliminasyon kahapon sa 2020 Honda PBA Philippine Cup sa loob ng AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

The post Meralco piniga ang Blackwater: Canaleta, Jose talsik sa sikuhan first appeared on Abante.

meralco piniga ang blackwater canaleta jose talsik sa sikuhan - Meralco piniga ang Blackwater: Canaleta, Jose talsik sa sikuhan
abante pba 4 - Meralco piniga ang Blackwater: Canaleta, Jose talsik sa sikuhan

NABALOT ng pisikal na salpukan ang huling limang segundo bago tuluyang naiuwi ng Meralco Bolts ang 89-85 panalo kontra Blackwater sa imalawang laro eliminasyon kahapon sa 2020 Honda PBA Philippine Cup sa loob ng AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

Kapwa napatalsik sa papatapos na segundo ng laro si Raymar Jose ng Bolts at Nino Canaleta ng Elite matapos na magpalitan ng siko at nagkagirian sa pagsasagawa ng play.

Kapwa napatawan ng flagrant foul penalty 1 ang dalawa at agad na napatalsik sa laro.

Muling pinamunuan ni Chris Newsome ang Bolts kasama si Reynel Hugnatan sa kapwa tinipong 19 puntos habang nag-ambag si Bong Quinto ng 14 puntos, 4 rebounds at 6 assists para sa Bolts na nakamit ang ikaapat na panalo sa loob ng pitong laro.

Nalasap ng Blackwater ang ikaapat na sunod nitong kabiguan at nanganganib na maagang mapatalsik sa torneo sa kabuuang 2-5 panalo-talong record.

Samantala’y nabawasan ng isang manlalaro ang Blackwater Elite matapos na lumabas ng bubble ang guard nito na si Paul Desiderio.

Ipinaalam ni Blackwater team manager Jacob Munez na may iniindang minor injury at may kailangang asikasuhing personal si Desiderio.

Hindi na inaasahan ng koponan a makababalik pa sa bubble si Desiderio.

Matatandaan na ang Blackwater ang unang koponan na nagkaroon ng suspected case ng COVID-19 sa isa sa mga manlalaro na naging dahilan upang pansamantalang ipatigil ang torneo. (Lito Oredo)

The post Meralco piniga ang Blackwater: Canaleta, Jose talsik sa sikuhan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *