Means kakatok sa Olympics

SASABAK ang Fil-American freestyle at park skateboarder na si Christiana Means sa prestihiyosong Backyard Skate Battle tournament sa Los Angeles, California sa Linggo sa pagnanais na makaagaw ng silya sa Tokyo Olympics sa 2021.

The post Means kakatok sa Olympics first appeared on Abante.

means kakatok sa olympics - Means kakatok sa Olympics
abante means - Means kakatok sa Olympics

SASABAK ang Fil-American freestyle at park skateboarder na si Christiana Means sa prestihiyosong Backyard Skate Battle tournament sa Los Angeles, California sa Linggo sa pagnanais na makaagaw ng silya sa Tokyo Olympics sa 2021.

Inaasahang magpapamalas ng kanyang husay ang Southeast Asian Games (SEAG) gold medalist na si Means sa torneong may nakatayang puntos para sa kada apat na taong torneo.

Makikipag-agawan ang 23-anyos na Filipina skater kontra sa pito pang kalahok para sa $10,000 na premyo.

Una itong torneo ni Means matapos magwagi ng dalawang pilak at isang gintong medalya noong 30th SEA Games na ginanap sa Tagaytay noong Disyembre. (Lito Oredo)

The post Means kakatok sa Olympics first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *