McGregor pinatos ang hamon ni Silva

“I accept.”

mcgregor pinatos ang hamon ni silva - McGregor pinatos ang hamon ni Silva
mcgregor silva - McGregor pinatos ang hamon ni Silva

“I accept.”

Deretsahan at simpleng sagot si Ultimate Fighting Championship star Conor McGregor ng Ireland sa hamon ni UFC legend Brazilian-American Anderson Silva.

Nag-post kasi si 45-year-old Mixed Artial Arts (MMA) fighter Silva ng paghanga kay McGregor, magte-32 saHulyo 14, kasabay ng pahapyaw na paghamon.

“I have immense admiration for the great athlete that Conor is and I believe that a super fight would go down in the history of the sport,” ani Silva.

“Neither of us need to prove anything to anyone,” dagdag pa ng alamat na tubong Sao Paulo.

Matapang namang tinanggap ng Irish fighter ang patutsada ni Silva at dalawang salita lang nitong pasabog ay senyal ng tapatan nila sa octagon sa lalong medaling panahon.

Isa si Silva sa pinakamagaling na fighter sa liga kung saan dati niyang hawak ang middleweight title Mabenta pa rin siya kahit nabigo sa huling anim sa nakaraang walong salang.

Samantalang si McGregor naman ay malaki ring ambag sa sport dahil sa pagiging hari ng pay-per-view. (Aivan Denzel Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *