McGregor laya na

MAKARAAN ang 2-araw na pagkakakulong sa kostudya ng mga pulis sa Corsica, France walang kaso na ring pinalaya si Ultimate Fighting Championship (UFC) star Conor Anthony McGregor ng Ireland.

The post McGregor laya na first appeared on Abante.

mcgregor laya na - McGregor laya na
Conor Anthony McGregor - McGregor laya na

MAKARAAN ang 2-araw na pagkakakulong sa kostudya ng mga pulis sa Corsica, France walang kaso na ring pinalaya si Ultimate Fighting Championship (UFC) star Conor Anthony McGregor ng Ireland.

Inaresto nitong Huwebes ang 2-time American mixed martial arts (MMA) promotion company world champion nang masangkot sa indecent exposure at attempted sexual assault.

Pero mariin namang itinanggi ng 32-anyos Irishman ang akusasyon.

“Conor vigorously denies any accusations of misconduct. He has been interviewed and released,” depensa rin ng kanyang abogadong si Emmanuelle Ramon.

Nangyari ang alegasyon habang nakabakasyon sa nasabing isla ng French Region si Conor kasama ang dyowang si Dee Devlin at dalawa nilang anak. (Aivan Denzel Episcope)

The post McGregor laya na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *