McCullough gustong maging naturalized Pinoy

MARAMI ang naintriga sa maig­sing post ni San Miguel Beer import Chris McCullough sa Twitter hinggil sa pagiging naturalized player ng National team.

mccullough gustong maging naturalized pinoy - McCullough gustong maging naturalized Pinoy
ABANTE mcc - McCullough gustong maging naturalized Pinoy

MARAMI ang naintriga sa maig­sing post ni San Miguel Beer import Chris McCullough sa Twitter hinggil sa pagiging naturalized player ng National team.

“Naturalized player for Gilas …” tweet ni McCullough (@brisskuno) Martes nang gabi.

Overnight ay umabot ng higit 2,000 likes ang post.

Siyempre pa, marami ang nagtanong kung sino ang pinatutungkulan ng 6-foot-9 center na produkto ng Syracuse.

Sarili niya ba ang pinatutungkulan? Gusto ba niyang maging naturalized player ng Gilas Pilipinas?

Edad 24 pa lang si McCullough, kaya puwedeng-puwede siyang maging naturalized.

Unang isinulong ang natura­lization papers kay Justin Brownlee, nakabinbin pa hanggang ngayon sa Kongreso.

Lumutang din ang pangalan ni ex-Houston Rocket Terrence Jones.
“Let’s go Mr. Chicken Joy,” sagot ng isang @Markov_27 patungkol sa paborito ni McCullough na pagkain sa Jollibee.

“Definitely a fit!” sagot ni @mariang_ligayaa.

“Wow just wow!” ani @LadyJL10. “Thank you sir! Already excited.” (Vladi Eduarte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *