McCarthy basag ilong

HINDI pa man nagtatagal sa pagbabalik sa aktibong paglalaro ay balik injury si Rashawn McCarthy dahil sa basag na ilong.

The post McCarthy basag ilong first appeared on Abante.

mccarthy basag ilong - McCarthy basag ilong
abante mccartny - McCarthy basag ilong

HINDI pa man nagtatagal sa pagbabalik sa aktibong paglalaro ay balik injury si Rashawn McCarthy dahil sa basag na ilong.

Una nang nabangko ng Terrafirma Dyip coaching staff si McCarty bilang disciplinary action dahil sa paghiling sa mas mahabang na oras makalaro.

Matapos pagsilbihan ang parusa, natuluyan na hindi na makalaro pa sa bubble si McCarty matapos matamo ang isa sa pinakamabigat na nangyaring injury sa eliminasyon pa lamang ng liga na mabasag ang ilong.

Una nang nagtamo ng bali sa balikat si Terrence Romeo mula naman sa San Miguel Beer.

Ilang minuto matapos ibalik ng Dyip sa lineup, aksidenteng naduguan ang Fil-Am guard sa ilong mula sa aksidenteng bangggaan kay Meralco rookie Aaron Black sa laban nito sa 2020 PBA Honda Philippine Cup sa AUF gym nitong Linggo.

Agad na isinailalim si McCarthy sa x-ray sa natamaang ilong sa The Medical City at hindi na makakalaro sa susunod na 10 linggo.

Nakatakda itong muling suriin sa Lunes ng hapon.

Ang 31-anyos mula New York ay natamaan naman sa atake ni Black sa 3:08 minuto ng unang yuto kung saan angat ang Bolts, 20-11. (Lito Oredo)

The post McCarthy basag ilong first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *