McAloney: Hindi ako nananahod

NILINAW ni NLEX Road Warrior rookie Will McAloney na wala siyang intensyon na saktan si TNT Tropang Giga star Bobby Ray Parks.

The post McAloney: Hindi ako nananahod first appeared on Abante.

mcaloney hindi ako nananahod - McAloney: Hindi ako nananahod
mcalony - McAloney: Hindi ako nananahod

NILINAW ni NLEX Road Warrior rookie Will McAloney na wala siyang intensyon na saktan si TNT Tropang Giga star Bobby Ray Parks.

Aniyay’ hindi siya yung tipo ng manlalaro na mapanakit at namemersonal.

“Hindi ako ganung klaseng player,” depensa ng Cebuano cager. “Hindi ko naman intensyon ‘yung ganun.”

Sa ika-4:54 marka kasi ng 3rd quarter sa laban ng NLEX at TNT nitong Huwebes ng gabi ay bahagyang nabunggo ni McAloney si Parks habang sumasalaksak sa ring, na nauwi sa alanganin nitong landing sa sahig kaya pinituhan ito ng flagrant foul 1.

Dahil sa insidente ay agad na napasugod si Jayson Castro at kinompronta si Will.

Agad din namang humingi ng paumanhin si 6-foot-5 big man McAloney kay Jayson Castro gayundin kay Roger Pogoy na saksi sa nangyaring gusot. (Aivan Episcope)

The post McAloney: Hindi ako nananahod first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *