May pag-asa ang ‘Pinas kay Blatche

defense-minister-jerry-codinera

Nitong March 20, Wednesday, sa Barangay Minuyan sa Norzagaray, Bulacan sa tulong ni Brgy. Captain Marcelo “Jonjon” Marcial ay naghain sila ng napa­kasarap na sotanghon soup para sa meryenda ng Team Agila at sa hapunan naman ay ang paborito at madalas na nakikita sa hapag kainan ng Bulakenyo na menudo.

The post May pag-asa ang ‘Pinas kay Blatche appeared first on Abante News Online.

may pag asa ang pinas kay blatche - May pag-asa ang ‘Pinas kay Blatche
defense minister jerry codinera - May pag-asa ang ‘Pinas kay Blatche

Nitong March 20, Wednesday, sa Barangay Minuyan sa Norzagaray, Bulacan sa tulong ni Brgy. Captain Marcelo “Jonjon” Marcial ay naghain sila ng napa­kasarap na sotanghon soup para sa meryenda ng Team Agila at sa hapunan naman ay ang paborito at madalas na nakikita sa hapag kainan ng Bulakenyo na menudo.

Dumating sina Atty. Mayor Christian Natividad para masilayan ang exhibition game ng Agilas kontra mga local player ng Garay at kanyang ka-partner na si Vice Governor Jon Mendoza at ang tumatakbong bokal na si Aye Mariano.

Kinabukasan, sa Bulacan Agricultural State College sa San Ildefonso ay naglaro ang inyong lingkod kasama sina Alvin Patrimonio, Jayjay Helterbrand, Vince Hizon at Willie Miller.

Salamat sa kumpare kong tumatakbo para konsehal itong darating na halalan na siyang na­ging panauhin sa Bantay Sarado program ko nitong nakaraang Linggo na si Konsehal Mike Ponsones at ang kanyang asawa na si Miladay Ponsones na siyang lumalabas na political at business adviser niya.

Sumama din sa studio ang kasama nila sa negosyo at tumatakbo din bilang konsehal na si Councilor Mark Mupas.

Inilathala nila ang kanilang magiging programa kung sila ay papalarin sa Mayo.

Kay Councilor Mike, ang focus niya sa social welfare activities na siyang pangunahing kailangan lalo na kapag may mga biglaang sakuna o matin­ding pangangailangan ng kanyang mga botante.

***

Sa FIBA update, ang Pilipinas ay nakasama ang France, Serbia at Angola sa Group D sa darating na World Cup. Medyo mabigat ang laban pero sa tulong ni Andray Blatche, walang imposible.

Ang tanong ng nakararami ay kung may tatalunin ba tayo?

Puwede nating sabihin na magkakaroon tayo ulit ng magandang tsansa na manalo pero dapat healthy ang mga player ni Coach Yeng.

Pangalawa, ibigay kay Coach Yeng ang kailangan niyang player at ang huli huwag natin i-pressure si coach dahil dito pa lang sa pagsali ay malaking achievement na sa bansa at nabura kahit paaano ‘yung pangyayari na gulo laban sa Australia.
***

Nagsimula na rin umikot at nag-promote ang Kalye Liga Legends sa Imus na siyang lumaro kalaban ang mga ka-barangay. Ito ay sa pamumuno ni Atty. Brian Pellazar na siyang may-ari ng WEB APP at kasama sa grupo sina EJ Feihl at Bonel Balingit. 

Ang mga nagsipaglaro ay ang inyong lingkod kasama sina Patrimonio, Bong Hawkins, Rodney Santos, Bong Alvarez at Nelson Asaytono.

Kaya mga Caviteño, abangan ninyo ang Kalye Liga Legends at iikot kami sa iba-ibang dako ng Cavite at iba pang lugar sa Metro Manila. 

Mabuhay ka-Kalye Liga!

The post May pag-asa ang ‘Pinas kay Blatche appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *