May kinasuhan sa game fixing

KAMAKAILAN ay pumutok ang balitang talamak ang game fixing o bentahan ng laban sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) base sa mga isiniwalat ng dating PBA player at coach na ngayong si Gerry Esplana.

The post May kinasuhan sa game fixing first appeared on Abante.

may kinasuhan sa game fixing - May kinasuhan sa game fixing
abante game fixing - May kinasuhan sa game fixing

KAMAKAILAN ay pumutok ang balitang talamak ang game fixing o bentahan ng laban sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) base sa mga isiniwalat ng dating PBA player at coach na ngayong si Gerry Esplana.

“Diyan nagbi-breed ang mga game-fixer. Alam mo kung bakit? ‘Yung galing taas, sa pro, na bumaba at may edad na, kahit anong galing niyan, hindi na makakabalik ‘yan. Kung mga 34, 35 na yan, kukunin pa ba yan? Hindi na,” kuwento kamakailan ni Esplana sa Spin.ph.

Bilang tugon, kinuha ng Abante Sports ang rekasiyon ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes kaugnay sa kontrobersiya.

Kinumpirma ng dating PBA Most Valuable Player (MVP) at tinaguriang ‘Captain Marbel’ na si Duremdes ang game fixing sa kanilang liga.

Pero hindi aniya nila ito kinukunsinti, bagkus ay may sinampolan na sila at pinakasuhan bagaman hindi pinangalanan ni Duremdes kung sinong manlalaro ang nahuli at napatunayang nagbenta ng laro.

“[Sa] game fixing meron na tayo pinakasuhan,” saad ng 46-anyos na kumisyuner nang hingin ang panig nito via text message ng Abante Sports hinggil sa nasabing anomalya.

Sa ngayon aniya ay hinihintay na lang nila ang resolusyon ng Department of Justice kaugnay sa isinampa nilang kaso sa naturang manlalaro.

“Waiting na din sa resolution from DOJ,” dugtong pa nito.

Tigil din ang mga laro sa MPBL mula noong Marso nang pumutok sa bansa ang coronavirus pandemic. (Aivan Episcope)

The post May kinasuhan sa game fixing first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *